Mga Tanong at Sagot

Dahil malakas sa akin si Aysa, sinagutan ko na rin yung mga tanong sa latest blog post niya.

By the way, take some time rin to visit her blog. It’s a funny, sometimes melancholy blog based on life as a Filipina in Dubai.

Ito ang mga sagot sa kanyang mga katanungan.

1) What made you start a blog?

Yung totoo? Trip lang. As in literally wala akong magawa sa buhay ko kaya nagsimula ako ng blog. Kasi I wanted to try out writing, as in serious writing, so gumawa ako ng blog.

Yung isa pang rason? Alam niyo na yun. Huwag na natin balikan ang nakaraan.

2) Who/what inspired you to write?

Okay. Checkmate. Bumalik tayo dun sa unang tanong. Siya. Siya yung nag-inspire magsulat. Siya yung nag-inspire sakin na humugot ng malalim. Siya. Alam niyo na yun. Move on na tayo.

Pero may inspirasyon din sa akin talaga si Stephen King at Haruki Murakami.

3) If you could travel back in time, who would you want to visit or which time period/era would you want to go back to? Why?

Recurring fantasy ko to. Yung una, gusto ko bumalik in time dun sa pagkapanganak ko tapos uulitin ko yung buhay ko up to now. I memorize ko lahat ng lotto numbers na nanalo saka lahat ng stock market crash at boom at magpapayaman ako ng todo. Lahat ng pagkakamali ko before aayusin ko. Gragraduate ako on time. Hindi ko kukunin yung course ko ngayon at kukuha ng course on Creative Writing or English. Tapos nasulat ko na yung Award winning novel ko.

Yung pangalawa, siguro yung pre-Hispanic Philippines. Yung mga time ni Lapu Lapu at Humabon. Magdadala ako ng lighter, libro on medicine tapos at magiging albularyo slash mangkukulam ni Lapu Lapu.

4) If you would be given a chance (time, money, opportunity) to write and publish a book, what kind of book would it be? (If you have a title in mind, please feel free to write it down too)

This blog is my book. Well one of my books. So plano ko talaga i-publish yung mga best works ko. Working title: Ang Mga Unang Hugot ni Ang Huling Hugotero

Siguro gusto ko rin iexpand yung current project ko, yung Pinoy Superhero Project. Either pagsasamahin ko sila lahat or gagawin kong full length novel yung isa.

Meron din akong gustong gawing novel na based on the Pre-Hispanic Philippines na mala W. Michael and Kathleen O’Neal Gear na style.

Finally, ito yung nirereserve ko. Kailangan magaling na akong writer talaga kung gagawin ko to. Ito yung pang Booker/Pulitzer/Nobel Prize. Kuwento ng tatlong brothers living in different islands of the Philippines during the time of Haiyan/Yolanda. The story won’t be about the storm but the relationships of the three brothers with the storm as the metaphor and the catalyst to move the story along. Working title: Windswept.

5) If you would be given a chance (time, money, opportunity) to travel and spend a week, where would you go and why?

Norway. Or Scandinavia in general. Or Maine. Gusto ko tumira sa isang cabin sa isang forest or sa tabi ng isang lake malayo sa mga tao tapos magsusulat na lang ako the whole day. Gusto ko lang muna ng peace and quiet sa isang malayo at malamig na lugar.

6) If you were to be a cartoon character (be it Disney or Marvel or Anime or whatever), who would you be and why?

Snoopy. A dog who writes and has the wildest imagination. Akong ako ang dating. Plus iba yung street cred talaga ni Snoopy. Sassy and opinionated without being rude.

Yun lungs. Thus endeth this short Q & A.

Thanks for reading!

Advertisements

9 Comments

Add yours →

  1. Hahaha. Dapat pala di na kasali yung questions 1&2.
    Anyway…ako din gusto ko balikan yung Hispanic period pero natawa ko sa ideya mo na maging mangkukulam ni LapuLapu haha

    Then, yung Windswept mo…ihanda mo na ang kopyang may autograph. Dapat kasali ako sa unang makakahawak ng kopya haha pati pala yung prehispanic novel mo at deym yung Nordic trip. Ang astig.

    Haha at salamat pala na malakas ako sayo 😀 haha

    Masaya yung mga gantong q&a…interesting yung mga sagot haha

    Liked by 2 people

  2. Ngayon pa lang gusto ko ng basahin ang Windswept.

    Matagal ko ng dinodrowing si Snoopy, pero never ko syang nakilala. Mukhang interesting character sya.

    Liked by 2 people

  3. Haruki Murakami. *aprub* excited ako dun sa “Ang Mga Unang Hugot ni Ang Huling Hugotero. Ako unang magpapafan sign, bibili at magpaparticpate sa book launch mo. *fist bump*

    Liked by 1 person

  4. Natawa ako dun sa magiging albularyo ni Lapu Lapu. Syempre, ikaw lang ang me medical background, sayo lahat ng pasyente… Bayad daw before, mga agricultural biproducts at saka mga farm animals, as well as plots of land.

    Nice to meet you, Hugotero.

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: