The Hugot Playlist OPM Edition

image

Isa ng tradisyon ng heartbroken na Pinoy ang makinig sa music. Yung music na pang laslasan ang dating (by the way please lang huwag ka maglaslas). Yung music na feeling mo nung sinusulat ay parang humahagulgol yung songwriter. Ewan ko kung bakit pero kapag nakikinig tayo ng ganung music ay nakakatulong na makarecover tayo sa kung ano man yung heartbreak natin. Siguro kasi mas nailalabas natin yung mga nararamdaman natin kapag nakakarinig tayo ng mga kanta na nagpapamalas ng mga nararamdaman natin.

Subalit iba rin talaga kapag OPM. Yung emosyon kasi, na-aamplify kapag sarili mong wika yung ginagamit. Yung mga salita, parang deretsong tumatama sa puso mo.

At dahil wala na naman akong magawa, lumikha na naman ako ng hugot playlist, pero this time, OPM naman. Halika at sumama sa saksak puso, tulo ang dugo journey sa mahiwagang mundo ng OPM.

(Isang pasubali: Mga personal kung choices ito so ang makikita mo ay yung mga kantang kinalakhan ko o mga kantang pinapakinggan ko hanggang ngayon. Paumanhin kung hindi mo makikita yung paborito mong kanta na galing pa sa 19 kopong kopong).

1) Pare Ko by the Eraserheads
Tang*na! Lecheng pag-ibig. Ang lutong. Ang sarap sabihin. Ito yung kantang kinakanta mo kapag feeling mo ginawang personal na laruan lang yung puso mo.

2) Paglisan by Color It Red
May mga tao talagang dadapo nalang sa buhay mo, pero kailangan mo talagang pakawalan eh. Kaya ang tanging maibibigay mo nalang ay yung pag-ibig mo.

3) 241 (My Favorite Song) by Rivermaya
May teorya ako sa kantang ito. Ang lakas ng kutob ka na pahapyaw to ni Rico Blanco dahil hindi niya masyado kinakanta yung 214, kasi kay Bamboo talaga yung kantang iyon. Pero ang lakas ng dating ng kantang ito, lalo na kapag yung minamahal mo nasa yakap ng ibang tao.

4) Ako’y Sa Iyo at Ika’y Akin by Inner Circle
Masakit ito kapag mayroon kayong mga pangakong hindi natupad. Yun bang sinabi niya sa iyo na ikaw ang forever niya pero meron after a few years meron na siyang bagong forever. Sakit men. Tapos ginawa mo na ang lahat para mabalik siya sa iyo pero talagang wala na kaya magdadasal ka nalang.

5) The Fight is Over by Urbandub
Sa bawat relationship may point talaga na magsasawa kana. Yun bang mag give give up ka na kasi hindi mo na kaya yung araw araw niyo yung pag away. Nanlalamig ka na kaya oras na para patayin yung relationship mo. Pero by the act of killing your relationship, ang rami mo paring tinatanong.

6) Heaven Knows (This Angel Has Flown Away) by Orange and Lemons
Ito yung kanta na para sa The One Who Got Away. Kasi alam mong hindi na siya masaya sa piling mo. Alam mong nasasakal mo na siya. Kahit na masakit sa iyo, papakawalawan mo na lang kaysa nakikita mo siyang malungkot sa piling mo.

7) Tulad ng Dati by The Dawn
Ito yung hinahanap mo kung mahal ka pa ba niya. Tinitingnan mo sa mata pero sadyang hindi mo na makita. Gusto mong hanapin ulit yun, gusto mo ulit makita yung init na nadarama mo dati pero hindi mo talaga makita.

8) Jeepney by Spongecola
Ito yung kanta mo para sa college/high school sweetheart mo. Yung akala mo the one na siya pero hindi pala. Pagkagraduate niyo, hindi mo napansin na unti-unti nalang nawawala yung naramramdam niyo sa isa’t isa kaya nag break nalang kayo. Tapos naalala mo nalang yung mga gabi na dati sabay kayong tumitingin sa mga tala.

9) Burnout by Sugarfree
Siyempre hindi pwede mawala ang Sugarfree dito. Yung pinaka unang kanta palang nila ay kanta rin tungkol sa pagkamatay ng apoy na nanaig sa dalawang tao. Yung bang sadyang napupundi na yung feelings niyong dalawa at sa dulo parang abo nalang.

10) Masaya by Bamboo
Ito yung perfect na explanation ng pag-ibig. [sarcasm] Masaya. Masayang masaya. [/sarcasm] Isa itong essay kung pano tayo nasisiraan ng bait dahil sa pag-ibig.

11) Misteryoso by Autotelic
Ito yung kanta mo para dun sa babae na once mo lang na meet pero na in love ka na. Tapos ever since hinahanap hanap mo siya kasi ninakaw niya yung lakas mo.

12) Sundo by Imago
Naramdaman mo na ba yung merong taong sobrang lungkot tapos na in love ka in the process na gusto mo siyang pasayahin? Nangyayari yun talaga. Pero malimit parang ikaw naman yung in the end naghihintay na pasayahin din dahil sobrang heartbroken mo na.

13) Halaga by Parokya ni Edgar
Ito yung mga national anthem ng mga friendzoned mofos na hindi na maatim na yung minamahal nila ay may pangit na boyfriend na damuho. Warning: Huwag kakantahin sa school fair or kahit anong public event. Baka mabugbog ka ng boyfriend nung bestie mo.

14) The Day You Said Goodnight by Hale
Na in love ka na eh. Wala ka nang magawa. Pero hindi mo masabi kasi taken na siya. Hindi mo masabing thank you para sa lahat ng ginawa niya para sayo. Ganun talaga ang pag-ibig. Minsan na checheckmate ka nalang.

15) Paalam Kahapon by Ebe Dancel
Oo. Alam ko. My Sugarfree na nga ako tapos may Ebe Dancel pa ako. Pero may tama tong kantang to. Kasi kung ano man ang pinagdadaanan mo, kailangan mo na rin pakawalan iyon. Ito yung silbi ng buong playlist na ito. Kasi gusto ko na makalaya ka na. Huwag ka ng manatili sa nakaraan. Tahan na. Okay na ang lahat.

Onga pala. May ginawa akong playlist sa Deezer para pakinggan mo. Sana kung ano man ang heartbreak mo, matulungan ka ng munting kontribusyon ko.

http://www.deezer.com/playlist/1689707683

Advertisements

4 Comments

Add yours →

  1. May nakapagsabi sa akin noon na kapag masaya ang isang tao mas nararamdaman nito ang beat ng kanta. Pero kapag malungkot ang tao, mas naiintindihan niya ang lyrics ng kanta.

    Iba nga talaga pag sariling wika, parang merong mga salitang mas nakukuha ang konsepto kaysa kapag itinranslate lamang. Gusto ko ring pang-emote yung Cool Off ng Session Road 🙂

    Liked by 1 person

  2. Hangover by Sugarfree tapos Halik by Kamikazee din. Feels. </3 Btw, great list po! Kapag Pinoy talaga yung awitin, mas tagos sa puso. 🙂

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: