Humuhugot Pa Rin Ba Ako?

image

Isa lang naman ang hinahanap natin. Catharsis.

Ito yung makikita mo sa About page ko. Honestly nung umpisa, hindi ko alam na may About page pala ako. Sobrang newbie ako sa pagbloblog talaga. Ang sagwa nga tingnan yung blog ko kasi hindi talaga ako marunong gumawa ng magandang page. Inggit na inggit ako sa mga design nung ibang blog. Yang About page ko, tinype ko lang yan nung ginagawa ko yung blog ko at gusto ko magpakadeep. Catharsis. Big word.

Tapos napadaan nalang dito yung iba’t ibang tao and the rest is history. Hindi ko na alam kung paano palitan yung About page ko. Kahit nga yung name ng blog medyo napapaisip na rin ako.

Ang Huling Hugotero.

Takte ang lalim ng datingan. Although kapag inenglish mo ang sagwa pakinggan –  The Last Puller. Pero napapatanong ako sa sarili ko, yun ba yung purpose ng blog ko? Puro hugot ba yung sinusulat ko?

Ni-review ko tuloy yung mga nasulat ko. Yung mga umpisa kung sinulat, hanep sa drama. As in parang nung sinusulat ko, yung mga luha ko pumapatak sa papel habang nagwawalling sa banyo. Hindi ko dinedeny na nung mga panahon na yun, chinachannel ko yung mga kanta ni Ebe Dancel kaya ganun na lang ako magsulat. Saka kung finofollow mo yung blog ko ng matagal na, alam mo na yung storya ko. Ginawa ko itong blog na ito dahil kay SHE WHO MUST NOT BE NAMED. Sabi nga nila, heartbreak is the world’s greatest muse (upon further research, ako lang pala nagsabi nun).

Pero lately, hindi na ako humuhugot. Actually parang naging writer’s journal na itong blog ko. Puro kuwento, attempts at poetry, commentary on mental illness (bipolar kasi ako), mga ganun. Siguro kasi nahanap ko na yung gusto kong hanapin. Catharsis. Sa kakasulat ko, napatay ko na yung mga nararamdaman ko. I am in a happier place, ika nga. Hindi ko pa rin nakakalimutan si SHE WHO MUST NOT BE NAMED pero at least hindi ko na siya mahal. Yun lang yun.

Napaisip lang ako kung tama pa bang ituloy ko itong blog na ito. Kasi hindi na naman ako masyadong humuhugot. Hindi na ako parang love child ng My Chemical Romance at The Cure.

Pero kung tutuusin, ang rami ko nang nagawa dahil sa blog na ito. Biruin mo, nakapagpublish ako ng pitong short story kahit dati eh ni isa wala akong nagawa. At dahil dito nakilala ko kayo, kahit sa pagsulat man lamang. Saka may isa pa akong nagagawa sa blog ko. Kapag merong akong nababasa na taong nasasaktan dito sa blogosphere, dumadaan ako sa blog nila at nag cocomment. Kasi gusto ko lang na malaman niya na hindi siya nag-iisa, na nararamdam ko rin yung nararamdaman niya. Yun bang gusto kong sabihin na heartbreak lang yan, malayo pa yan sa bituka.

Siguro, mabuti pa rin na ituloy ko yung blog na ito. Dun na ako nakilala. Ako ang huling hugotero. Hindi na ako humuhugot para sa sarili ko lang. Humuhugot na ako para rin hanapin yung catharsis mo.

Ang Huling Hugotero

Advertisements

17 Comments

Add yours →

  1. All that love shit is not worth the heartbreak. Be fond of someone, be caring, but don’t go ga-ga and all-out in love.

    They call it “falling in love” because it’s perilous.

    Liked by 4 people

  2. “Sa kakasulat ko, napatay ko na yung mga nararamdaman ko.” Totoo nga siguro yung nabasa ko somewhere na writing is an effective medicine for heartaches. 🙂

    Liked by 2 people

  3. Hihihi. Anlaki na nga ng pinagiba ng mga sinusulat mo nung una kitang natagpuan kesa ngayon. Pero all in all, luha man o ligaya ang gawing mong tinta sa iyong panulat ay mahusay ka pa rin…kaya…hugot pa rin para matagpuan ang catharsis na katunog ng metamorphosis 😀

    Liked by 2 people

  4. I can feel you. I started blogging just to express what’s inside me. Not knowing how to improve my site, but youtube videos are very helpful, I was just willing back then to make baby steps. My thoughts when I started blogging 5 months ago are not the same as what I think now. But as what you said it nice to reminisce the achievements and the things we never imagined we could do. Its true indeed that change is only thing constant in this world and we should embrace it 🙂 Keep on writing 🙂

    Liked by 1 person

  5. I was relieved nung nalaman ko na hindi lang pala ako ang nahirapan sa pagpapaganda ng site :). Natatakot mabigyan ng label, mula sa mga babasa. I still consider myself a beginner.

    Liked by 1 person

  6. Hi! Bumped to this post on my email. Haha 😊 keep on writing. Nakakainggit ka nga e nakakasulat ka ng mahaba. Btw, I’m one of your followers, hope you remember my blog: wordskeptinpoetry.wordpress.com Ang galing po ng insights mo, keep it up kuyang huling hugotero.😊

    Liked by 1 person

  7. Nung unang basa ko sa comment mo sa isang post ko, sobrang namangha ako. I really loved how your words fit together and blended so seamlessly, giving off a really great message. Sobrang poetic kapag binasa. Ngayon na napadaan ako sa blog mo, natutuwa ako sa mga sinulat mo. Kahit na ngayon ngayon ko lang nakita ‘yung mga gawa mo, sobrang bilib ako. It makes me feel happy and content reading your writings. Keep it up, idol 🙂

    Liked by 1 person

  8. ipagpatuloy mo lang Ginoong Hugutero. Kahit naman hindi ka na humuhugot, meron pa sigurong mga taong kailangan balikan ang mga hugot posts mo para makitang nakasulat kung ano man ang kanila ring nararamdaman. Saka maganda ang mga sinusulat mo rito 🙂

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: