Hopia

Dati may nagsabi sa akin na ang pag-ibig ay parang hopia. Kapag hindi mo kakagatin, aamagin. Tapos sinabi niya yun sa akin habang kumakain ako ng hopia. Dali dali kong inubos yung hopia, kasi nga baka amagin. Sa totoo lang hindi ko siya gets, pero naalala ko siya kagabi.

Pumunta ako nang hapon sa BGC High Street, at dala dala ko si Akuma, yung pitbull kong tuta pa lang. Halos every weekend ko dinadala si Akuma sa kung saan-saang mall para ma-socialize ng mabuti yung aso ko. Kasi ang mga aso, lalong lalo na ang pitbull, kailangan mong i-train ng maigi para hindi sila mangagat at pumatay ng tao o nang ibang hayop.

So hayun ako, palakad lakad ako sa BGC at naka kadena sakin si Akuma. Habang palakad lakad ako sa park, napansin ko na nilalapitan talaga si Akuma ng sino sinong tao, lalo na ng mga babae. Siguro kasi, kahit medyo mukhang kumakain ng bata si Akuma, ang cute niya pa rin saka kakaiba kasi yung kulay. Siguro din kasi, semi-gwapo yung may ari sa kanya. Take note, hindi gwapo ha, semi-gwapo lang. Hindi ako mayabang. Nagsasabi lang ng totoo. Promise.

Anyway, pumunta ako sa gitna ng High Street, dun sa malawak na park kung saan nagkukumpulan yung ibang mga may aso. Yun yung maganda sa BGC eh, nakikita mo yung ibang mga dog lovers katulad mo. Anyway, hinayaan ko nalang si Akuma na makipag harutan sa mga aso na nandun.

Pagkatapos ng ilang minuto may babaeng lumapit sa amin. Hinahatak siya nung aso na dala niya. Sa totoo lang, ang una kong napansin eh yung aso niya. Akita Inu kasi. Yun yung mga asong malalaki na kulay orange-red. Minsan ka lang makakakita sa Pilipinas nun.

“Hey, little doge,” sinabi ko dun sa aso niya habang yumuyuko ako para himasin yung aso niya. “What’s you name boy?”

“His name is Tendo.” sagot ni babae. Tumingala ako para kausapin si girlaloo, pero dapat pala hindi ko ginawa yun. Kasi, nung tumingala ako, biglang nahulog yung puso ko at gumulong gulong ito sa damuhan. Kinuha ko kaagad yung puso ko bago ito damputin nung mga aso na pakalat kalat dun sa park. Nilinis ko nang konti tapos binalik sa dibdib ko.

Ang ganda niya kasi eh. Mestisa. Yung tipong kumikinang yung balat niya. Tapos may dimples. Chubby ng konti pero ganda sobra. Tapos coño girl pa. I dunno why, pero dati pa akong may thing for coño girls. Ewan ko kung bakit, type ko lang talaga yung inglesera. Don’t judge please. Hindi ko rin ma explain.

Nahanap ko yung boses ko tapos sinabi ko sa kanya na ang cute ng Akita niya. Sa loob loob ko lang gusto ko sabihin na miss ang cute mo rin, kaso sadya akong pinanganak na torpe sa ayaw at hindi.

Tumayo ako at nag-idle chit chat. Nag panggap ako na ang rami kong alam sa aso tapos nag kuwentuhan kami sa pag hohouse train ng doggies. Hindi ko namalayan na nag kakagatan na pala yung mga aso namin. Nung hinila namin yung mga kanya kanyang aso, umiral na yung pagka-torpe ko at nag babay na ako. Nagbabay din siya at ngumiti.

(Miss wag ka ngumiti please, marupok ako.)

Kumaway nalang ako at pumunta sa Happy Lemon para bumili ng salted cheese iced chocolate. Habang sinisipsip ko yung inumin ko, bigla kong na isip yung hopia. Nalaman ko na yung ibig sabihin ng kaibigan ko.

Bumalik ako sa park, pero hindi ko na siya nakita. Ni hindi ko nga alam yung pangalan niya. Ang alam ko lang may Akita siya na ang pangalan ay Tendo.

Ay takte. Na-in lab nanaman ako. Umuwi nalang kami ni Akuma. Pero nung pauwi kami, dumaan muna ako sa 711 para bumili ng hopia. Sinigurado ko munang walang amag ito at dali daliang kinagat. Sarap.

anghulinghugutero

Advertisements

12 Comments

Add yours →

  1. Sayang! Pero kung ako yun di ko din siguro kaya hingin name niya ☹

    Liked by 1 person

  2. Hahaha natawa naman ako dun sa “don’t judge please”. Sayang naman nung opportunity. Sana makita mo sya uli. 🙂

    Liked by 1 person

  3. Maganda yung pagkakapasok bigla ng “nung tumingala ako, biglang nahulog yung puso ko at gumulong gulong ito sa damuhan.” Sayang inamag yung hopia. Di bale baka next time yung hopia na yung maunang humingi ng pangalan mo 🙂

    Liked by 2 people

  4. Parang may slow-mo na naganap.. Sayang tsk tsk.. Next time na makita mo sya, hingin mo na name niya. 🙂

    Liked by 1 person

  5. Ang cute ng story. 🙂
    Don’t worry, mag ku cross din ulit ang mga landas nyo. Ayee. ❤ haha

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: