Inaway Ko Ang Dagat

Ngayong araw, dumaan ako sa dalampasigan at nakipagaway ako sa dagat. Nakita ko ang hampas ng mga alon sa buhangin at naiinis ako sa kadahilanang hindi ko maintindihan. Lumusong ako sa tubig at ibinuhos ko ang galit ko sa dagat.

Hinampas ko ang tubig. Sa bawat pag ragasa ng alon, ginagawa kong kamao ang aking kamay at sinusuntok ang bawat lukso ng karagatan. Binuhos ko ang galit at poot na nanaig sa puso ko. Sumisigaw akong parang baliw habang inaaway ko ang dagat. Gustong patayin ang dagat. Gusto ko itong saktan. Gusto kong tumigil ito sa pag-alon at manahimik na lamang.

Ngunit lahat ng nakikipagaway sa dagat ay natatalo. Ang aking mga sigaw ay unti-unting namamaos. Tuloy tuloy pa rin ako sa pagsuntok, ngunit sa bawat paghataw, nararamdaman kong nawawala ang aking lakas. Sa huli, ako ay natalo. Pilit kong inahon ang aking sarili pero ako ay napatid at napaluhod sa itim na buhangin.

Humiga na lamang ako ako doon sa tabing dagat. Talunan dahil ganoon naman talaga ang kuwento ng buhay ko. Lahat ng laban ko ni isang beses ay hindi ako nananalo.

Sa aking paghimlay, naramdaman ko ang wisik ng alon sa aking mukha. Nalalasahan ko ang alat ng tubig sa dulo ng aking dila. Ang lamig ay unti-unting bumabalot sa akin. Pataas na ang tubig at lalamunin na ako ng buhay.

Tumayo na ako bago ako tuluyan kunin ng dagat. Bukas baka sakali ay makikipagaway ulit ako sa dagat. Baka bukas manalo naman ako.

anghulinghugutero

Advertisements

One Comment

Add yours →

  1. Baka sa araw na matuto mong mahalin ang dagat, mananalo ka na

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: