Tahimik

Pagkagising ko, naririnig ko lang ang dayog ng hangin sa aking bintana at ang malalakas na patak ng ulan sa aking bubungan. Hinahanap ko na ito nang matagal. Parang isang buwan yung huling oras kung saan umulan ng ganito kalakas. Nahimlay ako sa kama nang ilang sandali, nilalasap ang mga nakaw na minuto kung saan ako wala akong iniisip. Payapa. Maingay man ang bagyo sa labas, nanahimik ang kalooban ko.

Ngunit dahil tahimik nga, napaisip ako. Sa kawalan ng ginagawa, umandar na naman ang turbina ng isip ko.

Minsan talaga ang tao gusto nang katahimikan. Sa ingay nang daigdig natin, naghahanap tayo ng sari-sarili nating mga lugar kung saan makakatakas tayo sa huni at hiyaw ng mundong kinalalagyan natin. Kapag naroon na tayo sa mga lugar nang katahimikan, nakakapagisip tayo ng matiwasay at walang alinlangan.

Hindi ko ibig sabihin na ito yung katahimikan na kabuuang pagkawala ng tunog. Minsan nakakarindi rin yung ganung klase ng tahimik. Naalala ko tuloy yung lola ko na nang tumira sa bahay namin ay hindi makatulog. Ang dahilan? Sobrang tahimik daw nang bahay namin, na kung ikukumpara mo sa tirahan niya na nakayukayok sa EDSA ay mistulang isang libingan. Sa tagal niya nang tumitira sa EDSA, naging oyayi na ang mga busina at ingay sa labas nang kaniyang bahay.

Meron ngang isang laboratoryo sa Inglatera kung saan meron silang silid na tinaguriang pinakatahimik na lugar sa mundo. Sa sobrang tahimik sa silid na ito, maririnig mo ang pagbagsak ng karayom. Kalimitan sa pagpasok mo dito maririnig mo na kaagad ang tibok ng sarili mong puso. Hindi nakakatagal ang mga tao sa silid na ito. Para ka kasing nilalamon ng katahimikan. Sa ganoong sitwasyon, ako siguro masisiraan ng bait kasi sa palagay ko pag naiwan ako sa silid ko, unti-unti akong sasakupin ng mga nasa utak ko – sasaklubin ako ng mga pangamba at takot ko sa buhay.

Sa aspeto naman ng relasyon at pagkakaibigan, nagiging iba rin ang kahulugan ng tahimik. Sa tagal nang pakikipag ugnayan natin sa isang tao at lalo natin siyang nakikilala ng lubusan, ang katahimikan ay naging isang buong pangungusap, at kung malalim ang iyong pakikipagugnayan, isang buong talata. Isang tingin lang ay nagiging isang talastasan. Minsan ang katahimikan sa dalawang nagiibigan ay mas matamis pa sa mahal kita at minsan ang katahimikan naman ay mas masakit pa sa sigawan ng mga matatalas na salita.

Kapag naiisip ko ito, naguguluhan lang ako. Kaya inisip ko nalang na patahimikin na muna yung utak ko. Hinayaan ko nalang ang bagyo na maging hele pabalik sa kawalan ng pagtulog.

anghulinghugutero

Advertisements

3 Comments

Add yours →

  1. Ang isang masarap na pagiging tahimik ay yung hinahayaan ka ng mundo na maging ikaw. ^_^

    Liked by 1 person

  2. Beautifully spoken, refreshing 🙂

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: