Pait

Naalala ko yung almusal ko kaninang umaga. Ginisang ampalaya na may itlog. Pait. Bleh. Sa totoo lang ayaw ko talaga nang ampalaya.

Napaisip ako. Bakit nga ba tayo kumakain ng mga mapapait na bagay? Ano kayang pumasok sa kokorte nung ninuno natin na unang kumain ng ampalaya? Nasarapan kaya siya? Tapos bakit niya pinilit yung iba pa niyang kasama na kumain ng ganun kapait?

Kasi kung pagninilayan natin ito, paano ba tayo natutong kumain ng ampalaya? Wala akong kilalang bata na simula’t sapul ay mahilig na sa ampalaya ngunit kung ganun kang bata, ikaw ay natatanging nilalang at nais kitang makilala upang suriin ang iyong dila. Noong mga bata tayo, matinding sapilitan ang nangyayari kapag pinakakain tayo ng ampalaya. Ang ginagawa ng mga nanay natin, minsan hinahalo ito sa mga bagay na mas kanais nais sa ating panlasa. Hinahaluan ito ng karne o itlog. Binababad sa tubig na inasinan. Isinasama sa ibang putahe. Tapos inuunti tayong sinasanay sa pait. Sa kalaunan, hindi na natin namamalayan na nagugustuhan natin ang lasa ng ampalaya. Minsan hinahanap na natin ito at parang kulang ang hinain kapag kulang ito.

Pero bakit nga ba tayo pinipilit ng mga nanay natin na kumain ng ampalaya? Kasi alam nilang masustansiya ito at makakatulong sa ating paglaki. Katulad rin ito nang ibang mga bagay na mapapait at sinasanay na lamang ang ating mga sarili para kainin o inumin ito. Katulad nang gamot. Ang gamot ay kalimitan na mapait, ngunit tinitiis natin ang pait upang gumaling tayo sa karamdaman. Ang kape ay mapait ngunit nilalagyan natin ito ng gatas at asukal at iinumin upang magising ang diwa natin. Ang serbesa ay mapait pero iniinom para patayin ang mga gumugulo sa ating isipan. Tinitiis natin ang pait upang makuha ang mga benipisyo nito. Nagiging parte na nang buhay natin ang pait at marahil nasasanay na rin tayo. Kahit ayaw natin ang pait, talagang parte na siya ng buhay at kailangan lang natin tanggapin at namnamin ang mga biyaya na binibigay nito sa atin. Ating laging pagkakatandaan na bagama’t parte na ng buhay ang pait, wag ito hayaang magpainog sa ating mundo. May puwang parin ang tamis at galak sa ating mga buhay.

Tara kape tayo. Wala lang akong asukal. Padala nalang please.

anghulinghugutero

Advertisements

6 Comments

Add yours →

  1. Mas mapait, mas masustansiya iyon.

    Liked by 2 people

  2. Mananatili lang na nandiyan ang pait para hindi natin makalimutan na meron pang tamis. 🙂

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: