Imaginary Friend

Sabi raw ng mga dalubhasa at child psychologists, normal lang naman raw na magkaroon ng imaginary friend. Kasi raw coping mechanism ito ng mga bata na walang makausap. Kapag kaunti lang ang kaibigan ng isang bata, iyong utak niya ay gumagawa ng kathang isip na kaibigan para sustentuhan yung pangangailangan ng lahat tao; ang magkaroon ng kasama sa buhay. Nakakarindi lang minsan kapag may nakikita kang bata tapos kausap yung hangin, pero sabi nga nila, hindi naman daw ito masama. Pagkatapos, pag may mga tunay na kaibigan na siya, makakalimutan nalang iyung imaginary friend, kasi hindi na siya kailangan. Maibabaon nalang sa limot dahil wala nang saysay na panatiliin pa siyang sustentuhan ng utak mo.

Noong bata ako, wala akong imaginary friend. Ang meron ako, imaginary worlds. Doon sa imahinasyon ko, gumagawa ako ng mga sarili kong mundo. Iba’t ibang tema. May post-apocalyptic. May fantasy. May modern. Marami. Ako yung bida tapos syempre lagi ako yung nagliligtas ng araw. Siguro kung nagsusulat na ako noon baka ang rami ko nang nailimbag na libro o di kaya nagsusulat na ako para sa GMA at ABS-CBN. Wala kasi akong kaibigan noon at nasumpaan ako ng isang imahinasyon na kung umandar parang tren na walang preno. Ngunit katulad ng ibang bagay, naiwan na ito sa kabataan at nakalimutan ko nalang. Kasi nagkaroon din naman ako ng mga kaibigan kahit papaano. Kaya nabaon ko na lang ito sulok ng isipan ko.

Naalala ko ito dahil sa Inside Out, yung bagong pelikula. Ganda sobra. Yun yung pelikula na ginawang tao yung mga emotions natin. May Joy, may Sadness, may Anger. Pero sobrang nakarelate ako dun kay Bing Bong. Siya yung imaginary friend na kinalimutan para mapasaya ulit yung bata sa pelikula. Tagos mehn.

Kasi naramdaman ko na yun. Naramdaman ko na yung maging parang imaginary friend. Iyung pakiramdam na hindi ka na totoo. Na kinakausap ka na lang pag malungkot yung isang tao at pag naubos na lahat nang nagpapasaya sa kanya, ikaw yung maiisip sa huli. Kapag hindi ka na kailangan, ibabaon ka nalang ulit sa limot.

Pero sa totoo lang, okay lang sa akin yun basta nakapasaya ako ng tao. Oo na. Tanga. Martyr. Pero ganun ako talaga. Hindi ko na siguro mababago iyon sa sarili ko. Basta okay ka, okay rin ako. Kahit nasasaktan na ako, okay lang.

Pero sa totoo lang din, siguro kailangan ko magpasalamat. Kasi nung na ramdaman ko ito,  naalala ko na kaya ko pala lumikha ng mga mundo. Pero hindi na ko gumagawa ng imaginary worlds. Na diskubre ko tuloy na kaya ko pala magsulat. Dito ko na ibinubuhos ang sarili ko, sa pagsusulat ng kung ano-ano. Sana lang dumating yung panahon na kaya ko nang ipakita yung mga sinusulat ko sa buong mundo. Dadating din tayo dun.

anghulinghugutero

Advertisements

3 Comments

Add yours →

  1. How about an imaginary love? 🙂

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: