Paasa

Kailan nga ulit naging masama ang maging paasa? Kung iisipin mo, saan ba nanggaling ang salitang paasa? Pag-asa. Hope. Iyung tao na nag papaasa sa iyo synonymous yun to the person who gives you hope. Diba? O nahihibang na talaga ako?

Joke lang. Kasi alam ko naman na mahirap yung pinaasa ka lang. Masakit yun. Yung akala mo tunay na kaibigan mo pero bibitawan ka sa sandaling palubog na ang bangka. Yung mag-propromise sa iyo ng mundo pero ni-isang kusing ng promise na iyon hindi mo nakita. Yung sinabi sa iyong ipaglalaban ka pero siya yung unang tumakbo pag nakita na ang kalaban. Yung lumundag ka sa ere pero bibitinin ka naman.

Pero kung isipin mo ng mabuti, natuto ka rin naman. Natuto ka na wag maniwala agad. Natuto ka na ang tiwala ay para sa mga taong kapani-paniwala. At dahil nasaktan ka, diba ang mga nananakit sa atin yun yung ultimately nagpapalakas sa atin rin? What doesn’t kill us makes us stronger.

At kung hindi ka natuto at umaasa ka pa rin, okay lang din yun. Dahil kung hindi kailangan ng mundo ang mga paasa, mas kailangan nito yung mga umaasa. Sila yung taong hindi bibitaw sayo pag lulubog na ang bangka. Sila yung mag propromise sa iyo at gagawin nila ang lahat para tuparin yun. Sila yung sasamahan ka sa lahat ng pagdadaraan mo. Sila yung sasamahan kang lumundag sa kawalan kahit hindi nila alam kung san lalanding. Dahil umaasa sila na gagawin mo din yun para sa kanila. Dahil naniniwala sila sa pag-asa. Sa hope.

Wala lang. Napaisip lang.

anghulinghugutero

4 Comments

Add yours →

  1. Minsan na siyang bumitaw. Kakapit ka pa ba?

    Liked by 1 person

Leave a comment