Ang Limang Yugto ng Pagtanggap

Una: Pagtanggi

“Hindi. Hindi totoo iyan. Hindi mo to magagawa sa akin.”

“Ang alam ko mahal niya pa rin ako. Rough patch lang ito.”

“Nung tumawag siya sa akin ang saya saya pa nga niya. Hindi pa kami break. Love nga ako ng pamilya niya. Hinahanap nila ako palagi.”

“Tayo pa rin diba, diba, diba? Hun, sagutin mo naman ako. Hun. Honey?”

“You’re just lying to me. I know you love me.”

“Inom lang yan. Kailangan niya lang magpakalasing ng konti tapos babalik na siya sa akin.”

“Cousin niya lang daw yun. Wag mo na palakihin ang issue.”

“May forever.”

Ikalawa: Galit

“Bakit ka ganyan? Ang tagal ng na natin tapos itatapon mo nalang basta basta? Ganyan pala tayo eh. Gaguhan.”

“Fine. Magpakasaya ka diyan. Wala na akong pake sa iyo.”

“Isaksak mo lalamunan mo yang singsing na yan.”

“Go f#@k a dog!”

“ALL CAPS TO PARA MAINTINDIHAN NG MAKITID MONG UTAK. I HATE YOU.”

“[hindi maisaysay na poot at galit habang sumisigaw sa isang unan]”

Pangatlo:  Bargaining

“Lord please. Sana mahal niya pa rin ako. Ngayon lang ako nagdasal ulit. Pero Lord heto lang ang hiling ko. Pagbigyan mo na ako.”

“Magbabago na ako. Gagawin ko ang lahat. Bumalik ka lang.”

“Every night nagdarasal ako. Pinapray ko na sana ma-realize mo yung nagawa mo. Na yung sakit na nararamdaman ko, mawala na sana.”

“Halika punta tayo sa Sagada. Maayos natin to. Promise.”

“I still love you. Call me please.”

Pangapat: Matinding Kalungkutan

“Bakit ko to nararamdaman? Ako lang ba nagkakaganto?  Bakit siya masaya?”

“This is all my fault. I should have been better than this.”

“Naalala ko siya pag umuulan. Kasi dati pag umuulan, nasa bahay lang kami tapos magkakape. Masaya na kami nun. Naalala ko siya sa maraming bagay. Naalala ko siya salamin ko. Naalala ko siya sa buhok ko. Pano ba na hindi ko na siya maalala?”

“Hindi ko na kaya. Tama na please. Ayaw ko na maramdaman ito. Gusto ko na maka move on pero di ko na magawa.”

“Ang sakit. Ang sakit. Ang sakit sakit. Ang sakit.”

“Patulong.”

Panglima: Pagtanggap

“Friends ulit?  Sure! Kampai tayo diyan.”

“Nakita kita ulit kagabi. Ang payat mo na. Kumakain ka pa ba? I hope you’re happy. I really do.”

“I still love you babe. But we have to move forward or we’ll be stuck here. I love you but goodbye.”

“Pinapatawad na kita.”

“May forever. Tayo yun.”

Advertisements

8 Comments

Add yours →

  1. Umasa ako sa last part. Huhu dejoke great piece! 🙂

    Liked by 1 person

  2. Buti pa kayo naging friends sa huli. 😊

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: