Interdimensional Love Story No. 1

Pramis hindi emo to. Isang araw nung nag uusap tayo tapos pinag uusapan natin yung ex-boyfriend mong tatanga tanga, sabi mo sa akin na gumawa ako ng kuwento. Tapos yung kuwento nayun gusto mo masaya ang ending kasi nga gusto mong hindi na lumungkot. Pumalakpak yung tenga ko nun. Masayang ending coming right up!

Heto naman akong uto-uto na nag try gumawa nga ng kuwento. Kaso nung panahong yun, wala talaga ako maisip na magandang ending para sa iyo. Kaya wala akong nabigay. Sorry medyo na late, pero heto na. Nakaisip na ako ng kuwento na may happy ending. Pramis hindi emo to.

Yung istorya ganito. Gumawa ako ng interdimensional traveling vehicle (ITV). Ang ginagawa ng ITV ay dadalhin tayo sa iba’t ibang dimensyon. Kasi merong tinatawag na Multiverse Theory, yun yung sinasabi ng mga scientist na maraming maraming Universe, hindi lang isa. Sa bawat isang Universe, meron daw tayong sari sariling bersyon natin. Tapos may konti konting pagkakaiba sa bawat isang Universe. Dun sa isa, kasal na kayo. Dun sa isa naman, hindi kayo nagkita magpakailanman. Trippy no?

Kung gets mo na, sumakay tayong dalawa dun sa ITV na ginawa ko. Wag mo na itanong kung paano ako gumawa ng ITV, basta nakagawa ako. Henyo kasi ako. Nakarating tayo una sa Universe 42. Astig dun sa Universe na yun, kasi ikakasal na kayo nung eksaktong pagkarating natin. Umattend tayo ng kasal pero para hindi tayo makilala nag-disguise tayo. Nagsuot ka ng wig at ako naman nag shades na lang. Masaya yung wedding kaso napansin ko na umiiyak ka. Tinanong ko kung okay ka lang at sinabi mo oo. Pero halata ko na nasasaktan ka kaya sabi ko umalis na lang tayo dun. Sumakay nalang tayo ulit sa ITV.

Nakarating naman tayo sa Universe 64. Ang lungkot nun kasi nakita yung version ng sarili mo na kakabreak palang. Sobrang kawawa si Version 64 kasi wala siyang makausap at wala siyang karamay. Hindi mo rin nagustuhan yung Universe na yun kaya umalis na rin tayo.

Ang rami nating pinuntahan na Universe nun. Dun sa Universe 27, kinidnap natin yung ex mo tapos sinabi mo sa kanya lahat ng gusto mong sabihin. Sa Universe 91, umistambay tayo sa labas ng bahay niya tapos may dala tayong karatula. Dun sa karatula nakasulat, WAG KANG TANGA. Sa Universe 13 nahuli tayo ng pulis na umaakyat ng bakod nung kapitbahay niyo. Ang rami nating pinuntahan. Ang rami nating nadatnan.

Pagkabalik natin sa Universe natin, nandun siya, yung ex mong tanga. May dalang bulaklak. Nag sosorry. With matching pagtugtog ng The Scientist ng Coldplay kasi yun yung paborito mong kanta. Sa madaling salita, nagkabalikan kayo. Masaya ka na ulit. Ito yung happy ending mo.

The End.

Pero sa totoo lang, ayaw ko matapos yung kuwento dun. Kasi sumakay ako ulit ng ITV tapos bumalik ako sa Universe 64, wala kasing nagmamahal sayo dun. Ako nalang ang magmamahal sayo dun. Kasi sa totoo lang, mahal na mahal kita. Hindi ko lang masabi talaga sa iyo.

Kaso kuwento lang ito. Hindi ito totoong buhay. Sa totoong buhay hindi ka talaga magiging akin. Sorry naging emo. Ngayon lang naman ulit ako nag-break ng promise sayo. Sorry na.

Advertisements

2 Comments

Add yours →

  1. bakit ang galing mo magsulat hahaha turuan mo ko. 😛

    Liked by 2 people

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: