Mga Bagay Na Hindi Ko Pwedeng Sabihin

May kinuwento ako sa iyo nung isang araw. May nabasa kasi akong libro, yung And the Mountains Echoed ni Khaled Hosseini. Nagandahan kasi ako sa libro kaya gusto ko siyang ipabasa sa iyo.

“Maganda ba?” tanong mo sa akin.

“Oo naman. Malungkot lang yung kuwento pero ang ganda niya.”

Tapos tinanong mo sakin, “Ganun? Meron bang magandang malungkot?”

Napatigil ako. Kasi may sagot ako sa tanong mo. Ikaw. Maganda ka kahit ang lungkot mo. Pero hindi ko sinabi sa iyo iyon. Kasi isa ito sa mga bagay na hindi ko pwede sabihin sa iyo.

Hindi ko pwedeng sabihin na sobrang ganda ng ngiti mo. Hindi ko pwede sabihin na ang sakit sakit pag nakita kitang umiiyak. Hindi ko pwedeng sabihin na iniisip kita gabi-gabi. Hindi ko pwede sabihin na pag hindi ka pa nakakauwi nag aalala ako. Hindi ko pwede sabihin na namamatay ako ng unti-unti pag hindi mo ako sinasagot sa telepono. Ang dami ng mga bagay hindi ko pwede sabihin sa iyo. Higit sa lahat, hinding hindi ko pwedeng sabihin na mahal na mahal kita.

Kasi alam kong hindi ka naman akin. Kasi alam kong iba ang may ari ng puso ko. Kasi alam kong hanggang magkaibigan lang tayo. Kasi kahit anong mahal ko sa iyo, kahit anong lalim ng nararamdaman ko, kahit ilang beses kong ipagdarasal, hindi mo naman ako mahal.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: